PNoy kay Pia: “Kapag pinuna ka ng mga aktibista, ibig sabihin may nagawa kang tama”

By Kathleen Betina Aenlle January 29, 2016 - 04:29 AM

Inquirer filephoto

Ibinahagi ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach ang naging pananaw at tila naging payo na rin ni Pangulong Aquino sa kaniya tungkol sa kontrobersyal niyang sagot sa coronation night ng nasabing pageant.

Ayon kay Wurtzbach, sinabi sa kaniya ng pangulo na kapag pumalag ang mga maka-kaliwa o leftists sa kaniyang sinabi, ibig lang nitong sabihin na mayroon siyang ginawang tama.

Sinabi aniya nito ng pwngulo sa kaniya nang magkita sila sa kaniyang courtesy call sa Malacañang noong Martes.

Matatandaang naging kontrobersyal at umani ng parehong mga batikos at papuri ang kaniyang sagot ni Pia sa tinanong sa kaniya kung ano ang kaniyang pananaw sa presensya ng US military sa bansa.

Pinuna ito ng mga aktibista na tutol sa Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) na malinaw na pinatutukuyan sa tanong na ito.

Sinagot kasi ni Pia na sa tingin niya, bilang may mabuting relasyon naman ang Pilipinas at United States, wala naman siyang nakikitang problema rito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.