Mga paliparan, inalerto na ukol sa kaso ng Corona Virus sa bansa

By Angellic Jordan January 21, 2020 - 09:29 PM

Photo grab from DOH’s Facebook live video

Inalerto na ng Bureau of Quarantine (BOQ) ang iba’t ibang airline company ukol sa pagpapatupad ng safety procedures sa mga paliparan.

Sa isinagawang press conference sa Department of Health (DOH), sinabi ni Ferdinand Salcedo. pinuno ng BOQ, na makikipagpulong sila kasama ang mga airline company.

Paaalalahanan aniya ang mga airline company na maghanda ng universal protective kit para sa mga pasahero.

Ayon kay Salcedo, sinumang pasahero na makaranas ng simtomas, dapat agad itong i-report sa BOQ pagkadating ng paliparan.

Kinumpirma ng DOH na nagsasagawa sila ng imbestigasyon sa limang taong gulang na bata na posibleng nagtataglay ng Corona Virus-like symptoms sa Cebu.

TAGS: BOQ, BOQ chief Ferdinand Salcedo, bureau of quarantine, Corona Virus, doh, BOQ, BOQ chief Ferdinand Salcedo, bureau of quarantine, Corona Virus, doh

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.