Pangulong Duterte, pumayag na ituloy pa rin ang implementasyon ng motorcycle taxi pilot run – Sen. Go

By Angellic Jordan January 21, 2020 - 09:16 PM

Photo credit: Office of Sen. Bong Go

Inihayag ni Senador Christopher “Bong” Go na pumayag si Pangulong Rodrigo Duterte na tuloy pa rin ang implementasyon ng motorcycle taxi pilot run.

Sa panayam ng mga mamamahayag, sinabi ni Go na pumayag ang pangulo na sa ngayon, huwag munang ituloy ang paghuli habang wala pang amendments sa nasabing batas.

Kasabay ng pagsuporta sa motorcycle-for-hire services, sinabi ng senador na kaligtasan pa rin ng bawat pasahero ang importante.

Kailangan aniyang sundin ng bawat motorcycle rider ang safety nets at dapat marami nang karanasan ang rider bilang drayber.

Matatapos na dapat ang pilot run noong December 26, 2019 na nagsimula noong buwan ng Hunyo.

Ngunit, pinalawig ito hanggang sa March 23, 2020.

TAGS: motorcycle taxi pilot run, Sen. Bong Go, motorcycle taxi pilot run, Sen. Bong Go

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.