40 pamilya sa Hermosa, Maynila, nasunugan

By Kathleen Betina Aenlle January 29, 2016 - 04:26 AM

 

Natupok ng apoy ang isang residential area sa Manuguit, Hermosa sa Maynila kagabi.

Naiulat ang sunog 7:56 ng gabi at itinaas agad ito sa third alarm, at umabot pa sa fourth alarm dakong 8:18 ng gabi.

Tinatayang nasa 40 pamilya ang nasunugan, at nasa P2 milyon naman ang halagang napinsala dahil dito.

Tumagal ng halos dalawang oras ang sunog at naitalang naapula na pagdating ng 9:42 ng gabi.

Inaalam pa ng Bureau of Fire Protection ang sanhi ng sunog.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.