SWS: 72 porsyento ng mga Filipino, nababahala sa kalusugan ni Pangulong Duterte

SWS photo

Nababahala ang 72 porsyento ng mga Filipino sa lagay ng kalusugan ni Pangulong Rodrigo Duterte, batay sa huling survey ng Social Weather Stations (SWS).

Lumabas sa resulta ng survey na 72 porsyento sa mga Filipino ang nababahala kung saan 25 porsyento ang nagsabing “worried a great deal” habang 47 porsyento ang “somewhat worried.”

28 porsyento naman ang nagpahayag na hindi sila nababahala kung saan 15 porsyento ang “somewhat not worried” at 13 porsyento ang “not worried at all.”

Ang nasabing datos ay malapit sa lumabas na resulta ng survey noong June 2019 kung saan 74 porsyento ang nababahala at 26 porsyento ang hindi sa kalusugan ng Punong Ehekutibo.

Samantala, 61 porsyento naman sa mga Filipino ang nagsabing “public matter” ang kalusugan ng pangulo kung kayat dapat ipaalam ito sa publiko habang 37 porsyento naman ang nagsabing ito ay “private matter.”

Isinagawa ang survey ang Fourth Quarter 2019 survey sa 1,200 Filipino adults sa pamamagitan ng face-to-face interviews mula December 13 hanggang 16, 2019.

Ginamit sa survey ang sampling error margins ng ±3% para sa national percentages habang ±6% naman sa Metro Manila, Balance Luzon, Visayas, at Mindanao.

Read more...