2-anyos na bata, patay sa sunog sa Cebu

By Angellic Jordan January 21, 2020 - 04:46 PM

Nasawi ang dalawang taong gulang na bata sa sumiklab na sunog sa Balamban, Cebu Martes ng umaga.

Tinupok ng apoy ang isang bahay sa bahagi ng Sitio Upper Segre sa Barangay Buanoy sa Balamban bandang 10:25 ng umaga.

Ayon sa pulisya, natutulog ang biktima nang sumiklab ang sunog.

Nagbebenta umano ang ina nito malapit sa isang pampublikong paaralan sa nasunog na bahay nang mangyari ang insidente.

Nadamay naman ang tatlong kalapit na bahay dahil pawang gawa ang mga ito sa light materials.

Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa sunog.

TAGS: balamban, cebu, sunog, balamban, cebu, sunog

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.