Duterte legacy ibibida rin sa Visayas at Mindanao
Hindi lamang sa Metro Manila ilalatag ang Duterte legacy kundi maging sa Visayas at Mindanao.
Ayon kay Presidential communications operations office (PCOO) secretary Martin Andanar, dadalhin din nila ang Duterte legacy at gagawin din ang launching sa Cebu, Davao at Cagayan de Oro.
Sa ilalim ng Duterte legacy, ibinibida ng Palasyo ang mga nagawa na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa nakalipas na mahigit tatlong taong panunungkulan.
Halimbawa na ayon kay Andanar ang mga nagawang imprastruktura sa ilalim ng Build Build Build program, Universal health care law, Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), libreng tution sa mga state universities at colleges at iba pa.
Ayon kay Andanar, magkakaroon din ng Duterte legacy caravan sa walumpu’t isang probinsya.
“Hindi lahat, ibig sabihin meron pang DOTR hindi nakapagsalita at meron pang DTI. Kaya nga itong Duterte Legacy campaign, iyong launching ay magiging apat ito. Hindi lang isa. So meron tayo sa Cebu, sa Davao at Cagayan De Oro at iyong ibang mga departamento naman ang magsasalita. Magkakaroon tayo ng 81 caravans sa 81 probinsya,” ayon kay Andanar.
Gagawin aniya ang ikalawang launching ng Duterte legacy sa Cebu sa ikalawang quarter ng taong ito.
Matatandaang una nang binatikos ni Senador Panfilo Lacson ang Duterte legacy at sinabing premature pa ito dahil tatlong taon pa lamang sa puwesto ang pangulo.
Pero ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, hindi ito premature dahil nararapat na malaman ng taong bayan kung ano na ang mga nagawa ng pangulo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.