Record sa Comelec ng PWD’s at Senior Citizens pinaa-update

By Ricky Brozas January 21, 2020 - 12:22 PM

Hinikayat ng Commission on Election (Comelec) ang mga senior citizen at person’s with disabilities (PWD’s) na i-update ang kanilang record sa ahensiya.

Paliwanag ni Comelec Spokesperson James Jimenez, kinakailangan nang maisaayos ng mga matatanda ang mga maykapansanan ang kanilang record para ma-update din nila ang mga kaukulang impormasyon hinggil sa kanila.

Tuwing sasapit kasi aniya ang halalan ay isinasama ng Comelec sa kanilang paghahanda ang presintong nakalaan para sa mga ito.

Sa ganoong paraan ay malalaman ng komisyon kung kinakailangang bigyan ng kuwarto at matiyak na hindi na papanhik pa sa hagdan ang mga nakatatanda at mga maykapansanan.

Ginawa naman ni Jimenez ang pahayag, kasabay nang panunumbalik ng ng voters registration bilang paghahanda sa election 2022.

TAGS: 2022 elections, comelec, Comelec spokesperson James Jimenez, pwd, senior citizens, voters registration, 2022 elections, comelec, Comelec spokesperson James Jimenez, pwd, senior citizens, voters registration

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.