Mga hukom at empleyado ng korte sa Bulacan nagbigay ng cash donation sa mga kawani ng hudikatura na apektado ng Taal eruption

Nagbigay ng donasyong salapi ang mga hukom at kawani ng mga korte sa Bulacan paraan sa mga empleyado ng hudikatura na direktang naapektuhan ng pagputok ng bulkang Taal.

Ayon sa Supreme Court Public Information Office, kabuuang P110,000 ang cash donation na ipinagkaloob ng Bulacan judges at employees.

Nagtungo sila sa Korte Suprema para personal na iabot kay Chief Justice Diosdado Peralta ang donasyon.

Ito ay bilang pagtugon sa inisyatiba ng Supreme Court na tulungan ang mga kawani ng hudikatura na apektado ng kalamidad.

Read more...