Ito ang reaksiyon ni Education Secretary Leonor Briones sa harap nang pagkaantala ng pasok ng mga bata sa eskuwela sa tuwing may kalamidad.
Iyan ay dahil pangunahing nagiging takbuhan ng mga tao ang mga eskuwelahan bilang evacuation centers.
Sa kasalukuyan sinabi ni Briones na mahigit pitong libong eskuwelahan ang okupado ngayon sa Batangas at Cavite na pansamantalang ginawang evacuation centers.
Paliwanag ng kalihim, kung may multi-purpose evacuation centers ay hindi na maantala pa ang pasok ng mga estudyante tuwing may kalamidad.
MOST READ
LATEST STORIES