32 pangalan isinumite ng JBC kay Pangulong Duterte para pagpilian sa CA post
Isinumite na ng Judicial and Bar Council (JBC) kay Pangulong Rodrigo Duterte ang listahan ng tatlumput’ dalawang pangalan ng mga aplikante sa pagka-associate justice ng Court of Appeals (CA).
Batay sa liham ng JBC sa Pangulo na Petsado Enero 20,2020, pagpipilian ng Presidente ang naturang mga pangalan para punan ang walong bakanteng pwesto sa Appellate court.
Kabilang sa mga pupunan ay ang nabakanteng pwesto nina Justices Ramon Paul Hernando, Rosmari Carandang, Heanri Jean Paul Inting, at Amy Lazaro-Javier na kamakailan ay itinalaga ng Pangulo bilang mahistrado ng Korte Suprema.
Ang apat pang pupunang pwesto sa CA ay bunga naman ng pagre-retiro ng mga associate justices na sina Normandie Pizzaro, Carmelita manahan, Sesinando Villon, at Justice Edward Contreras.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.