Panukalang batas para magamit ang mga pribadong gusali gaya ng mall bilang evacuation centers inihain sa Senado
Nagsumite ng panukalang bata sa Senado si Senator Francis Tolentino na naglalayong maipagamit ang mga pribadong gusali bilang evacuation centers kapag may kalamidad.
Sa ilalim ng Senate Bill 1272 ng senador, bibigyang kapangyarihan ang mga Local Government Units (LGUs) na okupahin ang mga private o commercial buildings tulad ng restaurants o shopping malls para pagdalhan ng mga residenteng kailangang ilikas.
Kapag naisabatas, bibigyan ng kapangyarihan ang mga LGU o ang national government na gamitin ang mga pribadong gusali at pasilidad bilang evacuation centers.
Sa ilalim ng panukala ay bubuo rin ng inter-local government unit response mechanis, na kabibilangan ng pagtukoy at paglikha ng mga permanent evacuation centers, safe regfuge zones, evacuation routes at assembly points.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.