Temperatura sa Baguio, posibleng tumaas na sa susunod na mga araw
Hindi na ibababa pa ang 10.8 degrees celsius na temperaturang naitala noong Martes sa Baguio City.
Ito ay dahil maaring maapektuhuan na ng El Niño ang temperatura sa lungsod sa mga panahong ito.
Dahil dito, posibleng ang lamig sa Baguio ay hindi na katulad ng lamig na naranasan noong mga nagdaang taon.
Ang pinakamalamig na temperaturang naitala sa Baguio ay 6.3 degrees celsius noong January 18, 1961, na sinundan ng 8.1 degrees celsius noong January 12, 2014.
Una nang naiulat na ang El Niño ngayong taon ang inaasahang pinakamalakas, habang ang taong 2015 naman ang naitalang pinakamainit na taon sa record.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.