WALANGPASOK: Panghapon na klase sa lahat ng antas sa Baguio City suspendido sa Lunes, Jan. 27

By Dona Dominguez-Cargullo January 21, 2020 - 09:27 AM

Sinuspinde ang panghapong klase sa lahat ng antas sa Baguio City sa Lunes, Jan. 27.

Ito ay dahil sa idaraos na Chinese New Year Parade sa lungsod.

Simula alas 12:00 ng tanghali suspendido na ang pasok mula pre-school hanggang college level.

Ayon kay Baguio City Mayor Benjamin Magalong, isasara sa daloy ng traffic ang Session Road at ang kalsada sa harap ng Casa Vallejo hanggang sa bahagi ng NBI-CAR.

Ang road closure ay mula alas 12:00 ng tanghali hanggang alas 6:00 ng gabi.

Pinaalalahanan ang mga motorista na bawal pumarada sa kahabaan ng Session road simula pa lamang ng alas 5:00 ng umaga ng Lunes.

TAGS: baguio city, Breaking News in the Philippines, Chinese New Year Parade, Inquirer News, News in PH, PH news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, walang pasok, baguio city, Breaking News in the Philippines, Chinese New Year Parade, Inquirer News, News in PH, PH news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, walang pasok

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.