Kapalaran ng motorcycle taxis nakabitin pa

By Dona Dominguez-Cargullo January 21, 2020 - 09:06 AM

Nakabitin pa kung ano ang magiging kahihinatnan ng operasyon ng mga motorcycle taxis.

Matapos kasing ianunsyo kahapon ng Technical Working Group na sa susundo na linggo ay ite-terminate na nila ang pilot testing ng mga motorcycle taxis, naghayag ng sentimyento hinggil dito ang mga senador.

Sa isinagawang pagdinig ng Senate Committee on Public Services, umapela ang ilang senador at mga stakeholders na pag-aralan pa ng TWG ang pasya.

Ayon sa TWG, pag-uusapan pa nila hanggang bukas araw ng Miyerkules (Jan. 21) ang mga sentimyento.

Pagkatapos nito, anumang report na mabubuo sa pag-uusap ay isusumite kay DOTr Secretary Arthur Tugade.

Isang pulong pa din ang ikakasa sa Biyernes kasama ang mga stakeholders, resource persons, at ang mga kinatawan ng tatlong motorcycle providers.

 

TAGS: Breaking News in the Philippines, dotr, Inquirer News, Motorcycle Taxis, News in PH, PH news, Radyo Inquirer, ride hailing app, Tagalog breaking news, tagalog news website, technical working group, twg, Breaking News in the Philippines, dotr, Inquirer News, Motorcycle Taxis, News in PH, PH news, Radyo Inquirer, ride hailing app, Tagalog breaking news, tagalog news website, technical working group, twg

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.