Sa 8AM Taal Volcano Bulletin na inilabas ng Phivolcs, ang nasabing mga pagyanig ay mag magnitude na 1.6 hanggang 2.5 at walang naitalang intensities.
Simula naman noong Jan. 12 ng ala 1:00 ng hapon ay nakapagtala na ng kabuuang 718 na volcanic earthquakes ang naitala sa Bulkang Taal.
Sa kabila ng tila pananahimik ay nananatiling nakataas ang alert level 4 sa Bulkang Taal.
Ibig sabihin ayon sa Phivolcs ay nananatiling posible ang pagkakaroon ng hazardous explosive eruption sa susunod na mga oras o araw.
Dahil dito, patuloy ang paalala ng Phivolcs na dapat ipatupad pa rin ang total evacuation sa Taal Volcano Island at sa mga high-risk areas na una nang tinukoy sa hazard maps at nasa loob ng 14-km radius mula sa Main Crater ng bulkan.