P300K halaga ng shabu nakumpiska sa limang drug suspect sa Pasay

By Dona Dominguez-Cargullo January 21, 2020 - 08:02 AM

Naaresto ang limang drug suspect sa magkahiwalay na buy-bust operation na ikinasa sa Pasay City.

Tinatayang aabot sa P300,000 ang halaga ng ilegal na droga na nakumpiska sa mga suspek sa buy-bust operation na ikinasa Martes (Jan. 21) ng umaga.

Ayon sa Pasay City Police Office, unang nadakip ang mag-live in partner na sina alyas Nongnong at Rosalinda sa Barangay 14.

Nakumpiska sa kanila ang P44,000 na halaga ng ilegal na droga.

Sa Barangay 201 naman, naaresto ang isang alyas Marge at alyas Mark matapos makuhanan ng P147,000 na halaga ng hinihinalang shabu.

Tinangka naman ng isa pang kasama nina Marge at Mark na tumakas sa mga pulis pero naaresto din ito.

Nakuha sa loob ng kaniyang medyas ang P78,000 na halaga ng hinihinalang shabu.

TAGS: 5 arrested, Breaking News in the Philippines, buy bust operation, Inquirer News, News in PH, Pasay City, PH news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, 5 arrested, Breaking News in the Philippines, buy bust operation, Inquirer News, News in PH, Pasay City, PH news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.