Sakaling hindi paboran ng SC: “Tragic and Sad”-Poe

 

Jilson Seckler Tiu/Inquirer

Magiging “tragic and sad”.

Ito ang pahayag ni Senador Grace Poe kung sakaling tuluyan itong maalis sa puwesto bilang senador at pigiling makatakbo bilang Pangulo sa nalalapit na May Elections.

Naging emosyonal ang senadora sa Meet Inquirer forum habang idinedetalye ang kanyang reaksyon sakaling tuluyang maalis sa pagka-senador at mapigilang makatakbo bilang Pangulo sa nalalapit na halalan.

Gayunman, malaki ang pananalig ni Poe na matibay ang kanilang ligal na batayan at ebidensya na ipinrisinta sa Korte Suprema upang matiyak na hindi ito mangyayari.

Sinabi nitong positibo siya na naihain nila ang katotohanan sa Supreme Court sa isyu ng kanyang residency at pagiging isang natural-born Filipino.

Ang kanyang sitwasyon aniya ay kapareho rin ng sitwasyon ng libu-libong mga foundling sa buong bansa kaya’t umaasa ang senadora na bibigyang pansin ito ng hukuman.

Libu-libong mga foundling aniya ang maapektuhan sakaling hindi paboran ng Korte ang kanyang panig.

“With my loss, thousands will be affected by this loss adversely, so I would rather stay on the side of optimism,” pahayag ni Poe.

Gayunman, kung sakali aniyang hindi pumabor ang Kataas-taasang Hukuman sa kanilang argumento, ay kanya itong irerespeto ito.

Nagpahayag din ng kahandaan si Senador Poe na bumalik sa pribadong buhay sakaling matalo ito sa desisyon ng Korte Suprema.

 

Read more...