Human-to-human transmission nakumpirma sa bagong strain ng coronavirus China

By Dona Dominguez-Cargullo January 21, 2020 - 06:35 AM

Kumpirmado na ang human-to-human transmission ng SARS-like virus sa China.

Nagpatawag ng emergency meeting ang Workd Health Organization (WHO) matapos ang development sa naturang sakit na isang bagong strain ng coronavirus.

Ayon sa datos umabot na sa 218 ang tinamaan ng sakit.

May naitala na ring kaso nito sa Beijing at Shanghai habang dumarami na rin ang tinatamaan sa Guandong at patuloy na tumataas ang mga kaso sa Wuhan City.

Sa Guandong, nakumpirma na dalawang pasyente ang nahawa sa miyembro ng kanilang pamilya na bumisita sa Wuhan ayon sa National Health Commission.

Sa pagpupulong na ipinatawag ng WHO, tatalakayin kung maituturing na bang public health emergency ang outbreak ng naturang sakit at kung ano ang mga hakbang na dapat gawin para maawat ang pagkalat nito.

 

TAGS: Breaking News in the Philippines, China, coronavirus, Health, Inquirer News, News in PH, novel coronavirus, PH news, Radyo Inquirer, sars like virus, Tagalog breaking news, tagalog news website, WHO, Breaking News in the Philippines, China, coronavirus, Health, Inquirer News, News in PH, novel coronavirus, PH news, Radyo Inquirer, sars like virus, Tagalog breaking news, tagalog news website, WHO

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.