Bilang ng nasawing evacuees sa pagputok ng Bulkang Taal umakyat na sa apat

By Dona Dominguez-Cargullo January 21, 2020 - 06:20 AM

FILE PHOTO

Umakyat na sa apat ang bilang ng mga nasawing evacuees kasunod ng pagputok ng Bulkang Taal.

Ito ay makaraang masawi sa aksidente ang isang evacuee na mula sa Cuenca, Batangaas.

Ayon sa ulat ng Quezon Police Provincial Office, sakay ng kaniyang motorsiklo si Larry Montalvo kasama ang asawa at kaniyang apo nang mabangga sila sa pamasaherong bus.

Nasawi naman habang nasa evacuation center sa Batangas ang evacuee na si Benny Mendoza matapos atakihin sa puso.

Una rito ay punanaw din noong Sabado dahil sa heart attack ang 57 anyos na si Felina De Roxas.

Habang ang 72 anyos na si Zenaida Ortilla na mula sa Talisay, Batangas ay nasawi sa evacuation center kahapon ng umaga.

 

TAGS: Batangas, Breaking News in the Philippines, evacuees, Inquirer News, News in PH, PH news, Radyo Inquirer, taal, Tagalog breaking news, tagalog news website, Batangas, Breaking News in the Philippines, evacuees, Inquirer News, News in PH, PH news, Radyo Inquirer, taal, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.