Dating opisyal ng barangay patay, isa pa sugatan matapos pagbabarilin sa loob ng basketball court sa QC

By Rose Cabrales January 21, 2020 - 05:22 AM

Nasawi ang isang dating opisyal ng barangay matapos itong pagbabarilin sa loob ng basketball court ng Barangay Veterans sa Bansalangin corner Calumpit sa Project 7 sa Quezon City, gabi ng Lunes (January 20).

Ang biktima na 38 anyos ay residente ng Barangay San Jose sa Quezon City.

Ayon kay Masambong Police Chief Police Lt.Col. Rodrigo Soriano, nakaupo lamang ang biktima sa bleachers ng court nang malapitang barilin ng hindi pa nakikilalang salarin.

Ang suspek ay nakasuot ng itim na jacket at itim na helmet na agad tumakas sakay ng motorsiklo matapos ang pamamaril.

Nasawi ang biktima dahil sa tinamong tama nh bala habang isinugod naman sa ospital ang katabi nito nang tamaan ng ligaw na bala sa likod.

Inaalam na ng mga otoridad ang motibo sa krimen.

TAGS: Bansalangin corner Calumpit, Brgy Veterans, dating opisyal ng barangay patay, pinagbabaril, Project 7, quezon city, shooting, Bansalangin corner Calumpit, Brgy Veterans, dating opisyal ng barangay patay, pinagbabaril, Project 7, quezon city, shooting

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.