Naujan, Oriental Mindoro niyanig ng magnitude 3.3 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.3 na lindol ang bayan ng Naujan sa Oriental Mindoro.

Naitala ang pagyanig sa layong 16 kilometers northeast ng Naujan alas 4:27 ng umaga ng Martes, Jan. 21.

Ayon sa Phivolcs tectonic ang origin ng pagyanig at may lalim na 17 kilometers.

Wala namang naitalang intensities bunsod ng lindol at hindi rin ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks.

Read more...