Dalawang kandidato nagpapa-cute para makakuha ng pondo – Wacky Leaks ni Den Macaranas

January 29, 2016 - 12:03 AM

 

den-macaranas1Masaya ang laban ng dalawang kandidato sa isang lalawigan na malapit sa Metro Manila.

Ang magkalaban ay parehong “killer” ng mga mayayamang Matrona.

Ayon sa ating Cricket, pareho ng istilo ang dalawa lalo na kung ang kausap nila ay mayayamang may pera.

Ibang klase ang kanilang panunuyo ng suporta dahil pareho nilang idine-date ang kanilang prospect na supporter.

Si Candidate F ay dati nang pwesto sa gobyerno bilang isang elected official ng lalawigan.

Kahit paano ay marami na siyang tagasuporta lalo na sa hanay ng mga Milyonaryang Byuda.

Masyado raw sweet itong si Candidate D. kaya madali siyang nakakakuha ng financial support sa kanyang mga target.

Itong si Candidate P. naman ay ngayon pa lang pumuporma sa pwestong tinatakbuhan din ni Candidate D.

Tulad ng kanyang kalaban ay super sweet din itong si Candidate P. sa panunuyo ng mga milyonaryang may pera.

Pero mas matindi daw itong si Candidate P. dahil pati mga Bading basta’t may datung ay talagang sinusuyo niya for financial support.

Matindi talaga ang paghahangad ng dalawa na manalo at maglingkod sa mga tao.

Si Candidate D. at Candidate P. ay parehong galing sa iisang idustriya. Parehong sikat at parehong makisig kaya for sure ay kilala nya na.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.