outbrain

Mayor Moreno, magdo-donate P4-M sa mga biktima ng pagsabog ng Bulkang Taal

By Angellic Jordan January 20, 2020 - 06:04 PM SHARE(S):
Photo grab from Mayor Isko Moreno Domagoso’s Facebook live

Magbibigay ng donasyon si Manila Mayor Isko Moreno sa mga pamilyang apektado ng pagputok ng Bulkang Taal.

Sa Facebook, makikita ang video kung saan pumirma si Moreno ng kontrata kasama ang ilang opisyal mula sa Novuhair.

Sinabi ng alkalde na ibibigay nito ang P2 milyong talent fee mula sa Novuhair para sa probinsya ng Batangas.

Maliban dito, karagdagan pang P2 milyon mula sa KJA Food Summit Corp. ang ido-donate ni Moreno sa mga biktima ng pagsabog ng bulkan.

Sa huling abiso ng Phivolcs, nananatili pa rin sa Alert Level 4 ang Bulkang Taal.

TAGS: Mayor Isko Moreno, Taal Volcano eruption, Mayor Isko Moreno, Taal Volcano eruption

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.