Alert level sa Bulkang Taal, hindi pa ibababa ng Phivolcs
Hindi pa ibababa ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang Alert Level 4 sa Bulkang Taal.
Sa Laging Handa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Phivolcs director Renato Solidum na marami pang naitatalang aktibidad sa bulkan.
Maari aniyang hindi nakikita ng ordinaryong mamamayan ang mga aktibidad sa loob ng bulkan kung kaya inaakala na tahimik na ito.
Katunayan, sinabi ni Solidum na marami pang naitatalang lindol na indikasyon na umaangat ang magma sa bunganga nito kaya nananatili aniya ang matinding banta ng pagsabog.
Ayon kay Solidum, sakaling sumabog ang bulkan, maglalabas ito ng ring of clouds na mapanganib sa tao.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.