7 nawawalang mangingisda sa Pangasinan, pinaghahanap na ng PCG

By Angellic Jordan January 20, 2020 - 02:53 PM

Patuloy pa rin ang search operations ng Philippine Coast Guard (PCG) sa pitong nawawalang mangingisda sa Pangasinan.

Napaulat na nawawala ang mga mangingisdang lulan ng (FB) Narem 2 sa karagatang sakop ng Barangay Hermosa sa bayan ng Dasol noong January 14 matapos mabigong makarating sa Infanta.

Nakilala ang nawawalang crew members na sina Roderick Montemayor, Homar Maglantay, Ejay Dela Cruz, Jerome Maglantay, Larry Legaspi at Jefferson Bernabe, kabilang din si Captain Alberto Roldan.

Ayon sa may-ari ng bangka na si Christine Macaraig, nakausap pa ang FB Narem 2 sa pamamagitan ng radio communications bandang 2:30 ng hapon noong January 13.

Dito nalaman ni Macaraig na nakaranas ang mga crew member ng malalaking alon na may 13 talampakan ang taas.

Huling naiulat ng crew members na sila ay nasa bahagi ng Camaso Island Sa Dasol.

Kasunod nito, itinalaga ng PCG ang BN Islander plane para magsagawa ng aerial surveillance sa Camaso Island.

Nag-deploy naman ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ng multi-mission offshore vessel na BRP Lapu-Lapu para magsagawa ng joint maritime patrol and search sa mga nawawalang mangingisda.

Samantala, inabisuhan na ng PCG Station sa Pangasinan ang mga mangingisda na maging alerto sa nawawalang bangka at agad ipagbigay-alam sa pinakamalapit na PCG unit ang kanilang lokasyon para mabigyan ng tulong.

TAGS: Dasol, pangasinan, philippine coast guard, Dasol, pangasinan, philippine coast guard

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.