DOJ, Office of the Chief Presidential Legal Counsel magsasanib pwersa vs Ayala at Pangilinan

By Chona Yu January 20, 2020 - 12:15 PM

Bukod sa Department of Justice, kasama rin sa legal team ng pamahalaan sa paghahabol sa mga may-ari ng Maynilad at Manila Water ang tanggapan ng Chief Presidential Legal Counsel.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, tutulungan niya ang DOJ sa pag-aaral para sa pagsasampa ng kasong economic plunder, economic sabotage at large scale estafa laban kay Fernando Zobel De Ayala na may-ari ng Manila Water at Manny Pangilinan na may-ari naman ng Maynilad.

Ayon kay Panelo, ikakasa ng pamahalaan ang mga naturang kaso kung papayag o hindi ang dalawang water concessionaire sa bagong kasunduan na ilalatag ng pamahalaan.

Sinabi pa ni Panelo na noon pa man paulit-ulit nang sinasabi ng pangulo na walang maibibigay na garantiya ang pamahalaan laban kina Ayala at Pangilinan na makatakas sa bansa sa posibilidad na mayroong ilang pribadong indibidwal ang maghahain ng kaso laban sa kanila.

TAGS: ayala, Breaking News in the Philippines, Inquirer News, manila water, maynilad, pangilinan, PH news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, ayala, Breaking News in the Philippines, Inquirer News, manila water, maynilad, pangilinan, PH news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.