2 patay, 5 sugatan sa pamamaril sa isang music club sa Texas

Hindi bababa sa dalawa ang nasawi habang lima pa ang sugatan sa pamamaril na naganap sa San Antonio, Texas.

Nangyari ang pamamaril sa isang music club ayon kay San Antonio Police Chief William McManus.

Ayon sa pulisya nagkaroon ng mainit na pagtatalo sa loob ng club na nauwi sa pamamaril.

Hindi pa tukoy ang pagkakakilanlan ng dalawang nasawi.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente.

Read more...