LOOK: MMDA traffic constable binuhat papuntang ospital ang isang batang maysakit matapos maipit sa traffic ang sinasakyan nitong kotse

Viral ngayon sa social media ang kabutihang puso ng isang traffic constable ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) matapos kargahin ang isang batang maysakit para dalhin sa ospital.

Sa post sa Facebook ng netizen na si Mit Javellana, sinabi nitong sakay sila ng kotse para isugod sa ospital ant bata dahil sa sobrang taas ng lagnat at nanginginig na rin ito.

Napansin ng MMDA constable na bumubusina at nagtatangkang sumingit ang kotse dahil grabe na ang traffic at wala nang galawan ang mga sasakyan.

Dahil dito, nagasya ang MMDA enforcer na buhatin na lamang ang bata at saka nilakad papuntang emergency room ng Alabang Medical Center.

Labis ang pasasalamat ni Javellana sa MMDA enforcer na hindi niya inilagay ang pangalan subalit nakuhanan niya ng larawan.

Pinapurihan din ng MMDA ang kanilang tauhan dahil sa pagmamagandang-loob nito.

Read more...