LOOK: Mugshots ng apat na Chinese na nagtangkang dumukot sa isang 18-anyos na babae sa Makati

By Dona Dominguez-Cargullo January 20, 2020 - 11:12 AM

Inilabas ng Southern Police District (SPD) ang mugshots ng apat na Chinese Nationals na nagtangkang dumukot sa isang 18-anyos na babae sa Einstein Street, Brgy. San Isidro, Makati City.

Ang babae ay pasakay sa taxi sa harapan lang ng kanilang bahay nang siya ay tangkang dukutin ng anim na lalaki.

Mabuting mayroong nagpapatrulyang mga pulis sa lugar na agad napansin ang komosyon.

Nakatakas ang dalawa sa mga suspek habang naaresto ang apat na pawang nakatira sa isang condominium sa Pasay City.

Kinilala ang apat na sina Weird She, 28 anyos; Wellin Bei, 25 anyos; Xiaohui Sun, 22 anyos at si So Chen, 26 anyos.

Ipinagharap na ng kaso ang apat habang patuloy pa ang imbestigasyon sa pangyayari.

TAGS: 4 Chinese, Abduction, barangay san isidro, Breaking News in the Philippines, Inquirer News, Makati, PH news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, 4 Chinese, Abduction, barangay san isidro, Breaking News in the Philippines, Inquirer News, Makati, PH news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.