Red Cross mayroong 200 vaccination teams para sa Sabayang Patak Kontra Polio
Mahigit 1,000 volunteers at staff ng Philippine Red Cross ang tutulong sa Department of Health sa pagpapatuloy ng Sabayang Patak Kontra Polio.
Ayon sa PRC, 1,000 volunteers at 60 staff members nila ang bubuo sa 200 vaccination teams na ipakakalat sa iba’t ibang bahagi ng Mindanao mula ngayong araw hanggang sa February 2, 2020.
Ang team ay kabibilangan ng team leader, vaccinator, recorder at health educator.
Sila ay magsasagawa ng pagbakuna sa mga lalawigan sa CARAGA, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Davao Region, SOCCSKSARGEN at BARMM.
Target na mabakunahan ang mahigit 60,000 na mga bata.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.