P3.4M na halaga ng ilegal na droga nakumpiska sa isang suspek sa Las Pinas City

Aabot sa P3.4 million na halaga ng ilegal na droga ang nakumpiska ng mga orotidad sa isang suspek sa Las Pinas City.

Ikinasa ang buy-bust operation sa Barangay Manuyo Dos, Las Pinas City, Linggo (Jan. 20) ng gabi.

Ayon sa Las Pinas City police, isang poseur buyer ang nagkunwaring bibili ng ilegal na droga sa suspek na si alyas “Ten-ten”.

Nang magkaabutan na ay inaresto si Ten-ten.

Nakuha sa pag-iingat niya ang malaking plastic ng hinihinalang shabu na tinatayang P3.4 million ang halaga.

Mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang suspek.

Read more...