Operasyon ng motorcycle taxi gaya ng Angkas ipatitigil na simula sa susunod na linggo

By Dona Dominguez-Cargullo January 20, 2020 - 10:42 AM

Simula sa susunod na linggo ay tigil na ang operasyon ng Motorcycle taxis gaya ng Angkas.

Ito ay matapos na ianunsyo ni Department of Transportation (DOTr) -Technical Working Group official Antonio Gardiola, Jr. ang pag-terminate na sa pilot testing ng motorcycle taxis.

Ginawa ni Gardiola ang pahayag bago pa magsimula ang pagdinig ng Senado kaugnay sa motorcycle taxis.

Aminado si Gardiola na magulo ang implementasyon nito at naaantala ang ginagawa nilang pag-aaral sa sistema dahil sa mga aksyon ng isa sa mga player.

Maliban sa Angkas, sakop din ng termination ang operasyon ng JoyRide at MoveIt.

Simula sa susunod na linggo ayon kay Gardiola ay ituturing nang ilegal ang operasyon ng motorcycle taxis at huhulihin na ang mga bumibiyahe.

TAGS: Angkas, Breaking News in the Philippines, Inquirer News, joy ride, Move it, PH news, pilot testing, Radyo Inquirer, ride haling app, Tagalog breaking news, tagalog news website, Angkas, Breaking News in the Philippines, Inquirer News, joy ride, Move it, PH news, pilot testing, Radyo Inquirer, ride haling app, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.