Provincial government ng Batangas inatasan ang mga alkalde na mahigpit na sundin ang forced evacuation

By Dona Dominguez-Cargullo, Ricky Brozas January 20, 2020 - 10:14 AM

Inatasan ni Batangas Governor Hermilando Mandanas ang mga alkalde sa lahat ng bayan at lungsod sa lalawigan na huwag hayaang makauwi sa kani-kanilang mga tahanan ang mga residente.

Ito ay matapos na bigyang pagkakataon mga reisdente sa ilang bayan na makauwi ng ilang oras sa kanilang bahay para kumuha ng mahahalagang gamit.

Ayon kay Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office chief Lito Castro, sa ilalim ng umiiral na forced evacuation ay wala dapat papayagang makabalik ng tahanan.

Nananatili aniyang delikado ang bumalik sa itinuturing na high risk areas.

Ang mga residente ay nakikiusap makauwi sa kanilang bahay para kuhanin ang mahahalagang gamit at balikan ang kanilang mga alagang hayop.

TAGS: Batangas, Breaking News in the Philippines, forced evacuation, Inquirer News, PH news, provincial government of batangas, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Batangas, Breaking News in the Philippines, forced evacuation, Inquirer News, PH news, provincial government of batangas, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.