98 percent ng mga residente sa palibot ng Bulkang Taal nailikas nang lahat – DILG

Nailikas na ang 98 percent ng mga residente sa bisinidad ng Bulkang Taal.

Pahayag ito ni Interior and Local Government Sec. Eduard Año kasunod ng pagpapatupad ng lockdown sa mga bayan at lungsod na sakop ng 14 kilometers high risk danger zone.

Ang natitira pa aniyang mga residente ay patuloy na inililikas.

Apela ng DILG sa mga residente huwag nang magpumilit na bumalik sa kanilang mga tahanan lalo na sa Taal Volcano Island.

Ito ay dahil nananatiling delikado ang sitwasyon hangga’t nakataas ang alert level 4 sa Bulkang Taal.

Para masigurong walang makababalik na mga residente ay may perimeter task force ang PNP at naglagay ng checkpoints sa lahat ng entry points sa mga bayan na sakop ng lockdown.

Read more...