3 na ang patay sa SARS-like virus sa China; virus kumalat na sa iba pang bahagi ng bansa
Tatlo na ang patay sa paglaganap ng SARS-like virus sa China.
Kinumpirma rin ng mga otoridad na kumalat na sa iba pang bahagi ng China kabilang na ang Beijing ang naturang sakit.
Maliban sa tatlong nasawi, mayroong nakumpirmang 140 na bagong kaso ng sakit.
Nagsimula ang bagong strain ng coronavirus sa Wuhan City sa China noong Disyembre.
Nitong weekend, 136 na bagong kaso ng sakit ang nakumpirma sa Wuhan City.
Habang dalawa ang nakumpirmang positibo sa virus sa Daxing, Beijing na kapwa galing Wuhan.
May naitala ding isa nang kaso sa Guandong.
Sa kabuuan, simula nang madiskubre ang sakit ay umabot na sa 201 ang tinamaan nito.
Ayon sa Wuhan City Health Commission, maliban sa tatlong nasawi ay mayroon pang 9 na kritikal ang kondisyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.