Limang Indonesians dinukot ng Abu Sayyaf sa karagatan ng Malaysia

Kinumpirma ng Western Mindanao Command ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pagdukot ng Abu Sayyaf sa limang Indonesians sa karagatang sakop ng Malaysia.

Ayon kay AFP Westmincom chief Lt. Gen. Cirilito Sobejana, nangyari ang pagdukot noong Huwebes sa Sabah.

Walo aniyang Indonesians ang kinuha ng mga Abu Sayyaf, pero tatlo sa kanila ay agad ding pinalaya.

Pinaniniwalaan naman ng AFP na sa Sulu dinala ng rebelde ang kanilang mga bihag.

Nakikipag-ugnayan naman na ang mga otoridad ng Malaysia sa AFP hinggil sa insidente.

Read more...