Voter registration simula na ngayong araw – Comelec

By Dona Dominguez-Cargullo January 20, 2020 - 08:08 AM

Pinaalalahanan ng Commmission on Elections (Comelec) ang publiko na ngayon na ang unang araw ng pagbubukas muli ng voter registration.

Ayon sa Comelec, mula alas 8:00 ng umaga ay bukas na ang mga Comelec office para tumanggap ng mga magpaparehistro.

Tatagal ang registration process hanggang Sept. 30, 2021.

Bukas mula Lunes hanggang Sabado ang mga tanggapan ng Comelec kasama ang mga holidays.

Sarado lamang ang Comelec offices kapag araw ng Linggo, Huwebes Santo, Biyernes Santo at araw ng Pasko.

Suspendido naman ang pagsisimula ng voter registration sa maraming bayan sa Batangas dahil sa epekto ng pagputok ng Bulkang Taal.

Hindi rin muna binuksan ang registration process sa Makilala, North Cotabato dahil sa lindol na tumama doon noong December 15, 2019.

Habang wala namang magaganap na registration sa Palawan dahil magkakaroon ng plebisito doon sa May 11, 2020.

TAGS: Breaking News in the Philippines, comelec, Inquirer News, PH news, Radyo Inquirer, registration process, Tagalog breaking news, tagalog news website, voter registration, Breaking News in the Philippines, comelec, Inquirer News, PH news, Radyo Inquirer, registration process, Tagalog breaking news, tagalog news website, voter registration

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.