23 volcanic earthquake naitala sa Bulkang Taal sa nakalipas na magdamag
Sa nakalipas na 24 na oras ay nakapagtala ng 23 volcanic earthquakes sa Bulkang Taal.
Ayon sa inilabas na Taal Volcano Bulletin ng Phivolcs, ang magnitude ng 23 volcanic earthquakes ay nasa 1.2 hanggang 3.8, isa dito ang naramdaman na mayroong Intensity 1.
Simula naman noong hapon ng January 12, 2020 ay nakapagtala na ng kabuuang bilang ng 176 na volcanic earthquakes na ang lakas ay nasa pagitan ng Intensity 1 to 5.
Sa nakalipas na 24 na oras ay nakapagtatala pa rin ng mas madalang nang mahihinang pagsabog sa bulkan.
Nagbuga ito ng kulay dirty white na ash plunes na ang taas ay 500 meters hanggang 1,000 meters.
Nananatili pa rin ang Alert Level 4 sa Taal Volcano na nangangahulugang maari pa ring may maganap na hazardous explosive eruption sa susunod na mga oras o araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.