2 PWDs na ilang araw naiwan sa kanilang bahay sa Agoncillo, Batangas nasagip ng coast guard
Dalawang persons with disabilities (PWDs) ang nasagip ng Philippine Coast Guard (PCG) sa bayanng Agoncillo, Batangas.
Pinuntahan ng mga tauhan ng PCG District sa Southern Tagalog at PCG Task Force Taal ang dalawa na natagpuang walang kasama sa kanilang bahay sa Barangay Balibeweng.
Ayon sa Coast Guard, hindi pa tukoy ang dahilan kung paanong naiwan sa kanilang bahay ang dalawa matapos pumutok ang Bulkang Taal.
Agad pinakain at pinainom ang dalawa na nangangayayat na at madungis ang katawan nang sila ay matagpuan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.