Kisame ng isang restaurant sa NAIA bumagsak

By Den Macaranas January 28, 2016 - 07:52 PM

collapse-naia
Pic by Kherwin Cheng Chua

Gumuho ang kisame ng isang restaurant na matatagpuan sa loob ng Ninoy Aquino International Airporat Terminal 3.

Sinabi ni Manila International Airport Authority (MIAA) spokesman Dave de Castro na pasado alas-syete ng umaga kanina nang bumagsak ang kisame ng Sweet Ideas Café.

Sa kanilang paunang imbestigasyon, kasalukuyan umanong nilalagyan ng duct tape ng technician na si Jellyboy Marcial ang airconditioning cable ng nasabing restaurant nang siya’y madulas at napatapak sa bumigay na kisame.

Nagkataon namang naglalakad sa loob ng restaurant ang 59-year-old na pasahero na si Lorna delos Angeles na muntik mabagsakan ng kisame.

Dahil dito ay biglang tumaas ang blood pressure ng nasabing pasahero kaya kaagad siyang isinugod sa NAIA Medical Center kung saan ay nasa maayos na siyang kalagayan.

Tiniyak naman ng pamunuan ng MIAA na iimbestigahan nila ang pangyayari at mananagot ang Sweet Ideas Café kapag napatunayang substandard ang mga materyales na ginamit sa kisame ng nasabing establishemento.

TAGS: NAIA, Sweet Ideas Cafe, Terminal 3, NAIA, Sweet Ideas Cafe, Terminal 3

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.