72 anyos na lola nasawi sa evacuation center sa Sto. Tomas, Batangas

By Dona Dominguez-Cargullo January 20, 2020 - 07:28 AM

File Photo

Isang evacuee mula Talisay City ang nasawi habang nasa evacuation center sa bayan ng Sto. Tomas sa Batangas.

Nasawi ngayong Lunes (Jan. 20) ng umaga ang 72 anyos na ginang na si Zenaida Ortilla, na isang stroke victim.

Mula nang ma-stroke ay bedridden na si Ortilla.

Ang pamilya Ortilla ay inilikas mula sa kanilang bayan sa Talisay dahil sa pagputok ng Bulkang Taal.

Nais ng kaniyang pamilya na mapayagan sila na naiburol ang mga labi ni Ortilla sa Talisay.

Ang bayan ng Talisay ay nananatiling naka-lockdown dahil sa banta ng pagputok pa ng bulkan.

TAGS: Breaking News in the Philippines, evacuee, Inquirer News, Mt Taal, PH news, Radyo Inquirer, taal, Tagalog breaking news, tagalog news website, Breaking News in the Philippines, evacuee, Inquirer News, Mt Taal, PH news, Radyo Inquirer, taal, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.