2 pulis na rumesponde sa isang kaguluhan sa Hawaii, patay sa pamamaril

By Dona Dominguez-Cargullo January 20, 2020 - 06:29 AM

Dalawang pulis ang nasawi matapos mabaril ng suspek sa nirespondehan nilang kagulugan sa Diamond Head sa Hawaii.

Maliban sa dalawang pulis na nasawi, isang police officer pa ang nasugatan habang hindi bababa sa apat na bahay ang nasunog.

Ayon sa mga otoridad, nagsimula ang gulo sa isang attempted eviction.

Sinaksak umano ng suspek na nakilalang si Jerry Hanel ang kaniyang landlady dahil pinapalayas na siya nito sa tinutuluyang bahay.

Rumesponde ang mga otoridad sa tawag na may naganap na stabbing incident, pero pinagbabaril sila ng suspek nang dumating sila sa lugar.

Pagkatapos barilin ang mga pulis, sinunog pa ng suspek ang bahay na kumalat sa mga katabi pang tahanan.

Sa kaniyang Twitter post nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya ng dalawang nasawing pulis si Honolulu Mayor Kirk Caldwell.

TAGS: 2 officers killed, Breaking News in the Philippines, hawaii, honolulu, Inquirer News, PH news, Radyo Inquirer, Shooting Incident, stabbing incident, Tagalog breaking news, tagalog news website, 2 officers killed, Breaking News in the Philippines, hawaii, honolulu, Inquirer News, PH news, Radyo Inquirer, Shooting Incident, stabbing incident, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.