Sa weather forecast ng PAGASA, ang amihan ay magdudulot ng isolated na mahihinang pag-ulan sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, CALABARZON, Bicol Region, Aurora, Mindoro Provinces, Marinduque at Romblon.
Ang Metro Manila, Ilocos Region, at nalalabi pang bahagi ng Central Luzon ay makararanas ng bahagyang maulap na papawirin na mayroong isolated na pag-ulan dahil din sa Amihan.
Dahil naman sa tail-end ng cold front, ang Samar Provinces ay makararanas ng kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms. Gayundin ang nalalabi pang bahagi ng Visayas.
Sa Palawan at sa buong Mindanao naman, bahagyang maulap na papawirin din ang iiral dahil sa localized thunderstorms.
Wala namang sama ng panahon na binabantayan ang PAGASA sa loob ng bansa.