Babae patay sa sunog sa Quezon City

By Dona Dominguez-Cargullo January 20, 2020 - 05:43 AM

Patay ang isang senior citizen sa sunog na sumiklab sa Barangay Sto. Domingo Linggo (Jan. 19) ng gabi.

Nagsimula ang sunog pasado alas 6:00 ng gabi sa Don Pepe Street na agad itinaas sa ikalimang alarma.

Ayon kay Major Gilbert Valdez, deputy fire mashal ng Bureau of Fire Protection ng Quezon City, isang 65 anyos na babae ang kumpirmadong nasawi.

Maliban sa isang nasawi, dalawa pa ang naitalang sugatan sa sunog.

Naideklarang under control ang sunog bago mag-alas 8:00 ng gabi.

Inaalam pa kung ano ang pinagmulan ng sunog at kung magkano ang halaga ng mga antupok na ari-arian.

TAGS: Breaking News in the Philippines, fire incident, Inquirer News, one dead, PH news, quezon city, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Breaking News in the Philippines, fire incident, Inquirer News, one dead, PH news, quezon city, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.