Driver ng SUV na sangkot sa hit-and-run sa Taguig nakilala na

By Den Macaranas January 28, 2016 - 05:07 PM

Innova
Topgear photo

Nakilala na ang driver ng Black Toyota Innova na may plakang ACA 9130 na tumakas makaraan niyang mabangga ang dalawang motorsiko sa Bonifacio Global City sa Taguig.

Sinabi ni Taguig City Police Chief Celso Rodriguez na nakipag-ugnayan na sa kanyang tanggapan ang driver na si Edgardo Horna, 52-anyos at residente sa Brgy. Tipas Taguig City.

Ipinaliwanag ni Rodriguez na sadyang tumakas sa lugar ng insidente si Horna dahil takot daw siyang kuyugin ng kanyang mga nabangga.

Sa pag-aaral nila sa kumalat na video sa mga social networking sites, sinabi ni Rodriguez na nag-counterflow si Horna kaya niya nabangga ang dalawang kasalubong na motorsiklo.

Kaugnay nito ay nananawagan ang pamunuan ng Taguig City PNP sa mga nabangga ni Horna na kaagad na makipag-ugnayan sa kanilang tanggapan para sa pagsasampa ng kaso laban sa nasabing tsuper.

Paliwanag pa ng Hepe ng Taguig City PNP, si Horna ay posibleng sampahan ng mga kasong reckless imprudence resulting to multiple physical injuries at damage to property.

 

TAGS: BGC, hit and run, Innova, taguig, BGC, hit and run, Innova, taguig

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.