Ayon sa Phivolcs, magnitude 4.6 na lindol ang naitala sa bayan ng Mabini, alas-8:59 ng gabi.
Naitala ang sumusunod na intensities:
Intensity 5 sa Mabini at Bauan, Batangas
Intensity 4 sa Batangas City; Santo Tomas, Batangas
Intensity 3 sa Malvar, Cuenca, Tanauan, San Pascual and Calatagan, Batangas; Puerto Galera,
Oriental Mindoro at San Pablo, Laguna
Intensity 2 sa Alfonso, Cavite at San Teodoro, Oriental Mindoro
Naitala rin ang instrumental Intensity 1 sa Tagaytay City
Naitala rin ang magnitude 4.0 na lindol sa bayan pa rin ng Mabini alas-10:02 ng gabi.
Naimramdaman naman ang sumusunod na intensities:
Intensity 3 sa Mabini at Bauan, Batangas at Batangas City
Intensity 2 sa Puerto Galera, Oriental Mindoro
Intensity 1 sa San Pascual, Batangas at Tagaytay City.
Anim na lindol ang naitala na may magnitude 3.4 hanggang 1.6 sa bayan ng Mabini bago maitala ang magnitude 4.6 na lindol.
Samantala ayon naman kay Police Capt. Joel Española, Tingloy Police chief, aabot sa 40 pamilya ang inilikas sa kanilang mga bahay sa tatlong barangay sa Mabini dahil sa sunud-sunod na mga pagyanig na naramdaman sa kanilang lugar.
Ang mga inilikas ay kasalukuyang nasa mga tents sa labas ng paaralan ng bayan.
May lakas mula magnitude 4.6 hanggang 1.6 ang naitalang mga pagyanig sa bayan ng Mabini sa magdamag.