YouTuber na si PewDiePie, naglabas ng huling video bago mag-break

“It’s been real, but I’m out!”

Ito ang titulo ng inilabas na huling video ng YouTuber na si PewDiePie.

Sa video, inilahad ni PewDiePie, Felix Kjellberg ang totoong pangalan, na pansamantala siyang mag-break mula sa streaming platform.

Inamin nito na ayaw niya talagang mag-break dahil gustung-gusto niya ang paggawa ng mga video.

Ngunit, paliwanag ni PewDiePie, nararamdaman niyang kailangan niya itong gawin para sa kaniyang saili.

Nilinaw din nito na hindi niya iiwan ang paggawa ng videos.

Nagpasalamat naman si Kjellberg sa lahat ng sumuporta sa kaniyang 10 taong paggawa ng video bilang YouTuber.

Umabot ng 102 milyon ang subscribers ni PewDiePie.

Read more...