Paglalahad ng ‘Duterte legacy,’ hindi premature – Palasyo

By Chona Yu January 19, 2020 - 05:18 PM

Kinontra ng Palasyo ng Malakanyang ang pahayag ni Senador Panfilo “Ping” Lacson na masyado pang maaga o premature pa para ibalandra sa publiko ang Duterte legacy kung saan itinatampok nang mga nagawa ni Pangulong Rodrigo Duterte sa nakalipas na tatlong taon.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na kaya ipinangalandakan ng gabinete ni Pangulong Duterte ang kanyang legasiya dahil kakaiba ang mga naging accomplishment ng punong ehekutibo sa nakalipas na tatlong taon.

Hindi maikakaila, ayon kay Panelo, na marami nang nagawa ang pangulo kumpara sa mga nakaraaang administrasyon.

Pinagsusumikapan aniya ng pangulo na mapaunlad ang bayan at gawing mapayapa ang kapaligiran at higit sa lahat ay paunlarin ang buhay ng bawat mamamayan.

“Hindi totoo ‘yun. Kaya nga pinapangalandakan ‘yun kasi nga kakaiba ang accomplishments na nagawa ni President Duterte in three years time kung ico-compare sa mga nakaraang administrayon,” ani Panelo.

Una rito, sinabi ni Lacson na masyado pang maaga ang paglalahad ng ‘Duterte legacy’ at dapat ay ginawa ito sa ikalimang taong panunungkulan ni Pangulong Duterte.

TAGS: Duterte legacy, Palasyo ng Malakanyang, Sec. Salvador Panelo, Sen. Panfilo Lacson, Duterte legacy, Palasyo ng Malakanyang, Sec. Salvador Panelo, Sen. Panfilo Lacson

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.