Japanese imperial couple nasiyahan sa pamamasyal sa Intramuros

By Den Macaranas January 28, 2016 - 05:04 PM

Akihito4
Inquirer file photo

Umikot sa loob ng Intramuros sa lungsod ng Maynila si Japanese Emperor Akihito at Empress Michiko bilang bahagi ng kanilang 5-day State Visit sa bansa.

Masayang sinalubong ang imperial couple ng mga Pinoy na Nihonggo teachers na nag-aral pa sa Japan habang sila’y namamasyal sa Intramuros na naging bahagi rin ng kasaysayan ng Japan noong World War II.

Sinabi ng mga guro na isang once-in-a-lifetime experience para sa kanila na makamayan at maka-usap si Emperor Hirohito na kanilang inilarawan bilang isang mabait na lider.

Ayon kay Florina Gil na nag-aral sa National Graduate Institute for Policy sa Japan na masaya si Emperor Akihito na napanatili ang maayos na kundisyon ng Intramuros.

Nauna dito ay ibinahagi rin ng imperial couple kay Pangulong Noynoy Aquino ang kanilang karanasan nang sila’y unang makarating sa Pilipinas noong 1962.

Kanilang ibinahagi na nag-ejoy sila ng husto sa pamamasyal sa Baguio City at Tagaytay.

Sina Emperor Akihito at Empress Michiko ay mananatili sa bansa hanggang sa Sabado kung saan ay nakatakda rin silang dumalo sa ilang mga events na inihanda ng Malacañang para sa kanila.

TAGS: Akihito, Emperor, Intramuros, Japan, Michiko, Akihito, Emperor, Intramuros, Japan, Michiko

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.